Walong buwan na ang nakakalipas buhat ng manalasa ang bagyong Yolanda sa Kabisayaan. Bakas pa rin ang pananalanta ng bagyo. Maraming pamilya ang nanatiling lugmok. Hindi pa lubusang nakakabangon mula sa pagkakadapa, at nagbabakasaling muling makakapiling ang mga minamahal na hindi pa ulit natatagpuan nang mawalay sa kasagsagan ng delubyo.
Kahit medyo nabitin ako at hindi ako nakapanuod nang maayos dahil nahilo ako sa aking pwesto nang panuodin koi to, masasabi ko pa rin na nagging makabuluhan ang kabuoan ng pelikula.
“Nandito pa si Hesus sa krus, gusto niyang manatili kasama natin,” pahayag ni Larry nang mahukay nito ang crucifix.
“Okay lang na pumunta ako sa dagat at makain ng mga pating, tutal wala na anamn akong uuwiang pamilya,” ani Renato habang kumakain ng pansit sa selebrasyon ng kaarawan ng bata.
Sa dalawang pahayag na nabanggit mula sa pelikula, naipakita ang matinding pananampalatay sa Diyos at pagpapahalaga sa pamilya.
Inilantad ng pelikula ang kabigatan ng kinahinatnan ng mga pamilya sa Kabisayaan. Ito ay matapos silang salantain ng bagyong Yolanda. Sinasalamin din sa pelikula ang pananatiling sariwa pa rin ng nangyaring trahedya sa isip ng mga nasalanta.
Layunin ng director na isulong ang independent films sa tulong ng pagtatampok ng tunay na kwento mula sa taong mismong nakaranas nito at patuloy na nakikipaglaban sa buhay sa kabila ng pagkakadapa.
Katulad ng nangyari sa mga nasalantang pamilya ng bagyong Yolanda, sa totoong buhay, ay nagsisimula muna tayo sa wala at sa paglipas ng panahon ay unti-unti nating nabubuo ang ating sarilI. Hindi ganun kabilis kalimutan ang masasalimuot nating pinagdaanan. Sa reyalidad ng buhay, makatotohanan ito, dahil hindi lahat ng sugat, madaling mahilom.
Maituturing na isa sa pinakamatinding bangungot ng mga naninirahan sa Kabisayaan particular na sa Tacloban City ang pananalasa ni Yolanda. Ito ang karanasang nagdulot ng malawakang pagbabago sa takbo ng kanilang buhay. Bukod dito, mas napalapit sila sa Diyos. Mas napatibay nito ang kanilang pananampalataya, at nagbuklod sa kanila upang huwag mawalan ng pag-asa.
Sa kabuoan, maganda ang pelikula ni Direk Brillante Mendoza lalo na’t sa mismong pinangyarihan shinoot ang produksyon, mahusay at mga batikang actor at aktres ang gumanap. Masyado lang naging malikot ang camera.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento