Biyernes, Marso 31, 2017

Paggalang sa Pangulo


Mahal naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,
 
                            Lubos ko pong naiintindihan na nais nyo pong matigil o mawala ang paglaganap ng droga sa ating Bansa. Ngunit, hindi po nais nang nakararami ang inyong paraan para mapuksa ito.

                           Hindi ko rin po alam Kung ano po ba ang tama o mali sa inyong ginagawang biglaang pagpapatay sa mga taong kinabibilangan nito. Hindi ba't Diyos lang ang may karapatang kumuha ng buhay ng bawat tao? E bakit ipinag uutos nyo sa inyong mga alagad na pumatay o biglang patayin agad ang taong akop sa droga. Hindi ba natin sila pedeng pag bigyang muli upang mag bago? Kung nagawa nga nilang pumasok o humantong sa buhay ng droga, e 'di syempre kaya rin nila itong pigilan at mag balik loob sa dating kung ano sila.

                          Mahal naming pangulo, alam namin ng bawat isa dito sa mundo ay may pag kakasalang ginawa. Ngunit hindi naman yon ibig sabihin na wala na, Tapos na ang kanilang buhay. Di ba naman hindi agad sila kinukuha ni God, dahil may panahon pa, may paraan pa, at napaka daming beses na pwede silang mabago.
Isa lang po ang nais ko, nawa'y wala nang palihim na patayan sa droga, sa halip, Ay parusa na habang buhay na pag kakakulong o kaya'y kung sinong pulis na kumampi ay alisan ng ranggo, kahit gaano pa ito kataas na opisyal at ikulong na parang wala ng bukas hanggang sa pag sisihan nya lahat ng kasalanang nagawa niya.
 
                                                                                                Lubos na gumagalang, David.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento