Huwebes, Marso 30, 2017

Swabe kong seksyon

Magandang gabi, umaga, tanghali o anumang araw yun bes/tol. Ang pangalan ko nga pala ay David at ako'y nasa baiting 11 na.
Nung una, nung grade 10 pa lang ako, Hindi ko lubos na maisip kung ano ba ang dapat kong kunin pag hantong ko ng Grade 11 kase..... Ewan!
Di ko alam. Siguro ay KINAKABAHAN ako dahil baka magkamali ako nang pag pili nang kukunin ko pag ako ay nag-grade 11 na.
Nung una iniisip ko na mag-STEM kaya ako? Pero sabi ni mama ko, na mag-ICT ako o kaya Tech voc. Ewan, 'di ko alam spelling, pero sabi nang puso ko na mag-HUMSS ako. Ako naman si tanga, edi sinunod ko'yung nais nito

Sa una, sa pag pasok ko, "Abaaa! Ayos a, dami chiks." Sa tingin ko, mahihirapan ako, marahil, puro maraming mukhang matalino sa unang klase. Assignments, activities in 2nd week. Ayos! Tatalino ako nito nang solo. Pag tagal parang nakakaumay na kasi puro gawa, puro sulat, ayaw ko na! Hindi ko na gustong mag-HUMSS! Pero, habang tumatagal lalo ang mga araw, naisip ko na hindi lang pala ito pang-solong gawa, kasi kaya laging may activity ay para magka bonding kayong lahat na mag ka kaklase at mag kakilanlan. Ahhhhh..... 'yun pala ang purpose nun, na habang tumatagal, Hindi lang kaklase mo ang nakikilala mo, pati pala sarili mong pagkatao ay makikilala mo dito.
Salamat dahil sa subjects na meron kami ngayon ay nakilala namin ang iba't-ibang ugali ng tao, pati narin ang sarili kong pagkatao.

Kaya ano pang inaantay n'yo mga grade 10 na gustong makilala ng ibat-ibang uri ng tao? Walang plastikan! Real talkan lang! Kung nais morin makilala ang iyong sarili na kung ano ka ba, o kung sino ka ba talaga, yan ang matututunan mo na aral sa pag hu-HUMSS. Kaya, kung di mo pa kilala ang sarili mo, Arat na mag-HUMSS. G!







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento