Biyernes, Marso 31, 2017
Paggalang sa Pangulo
Mahal naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,
Lubos ko pong naiintindihan na nais nyo pong matigil o mawala ang paglaganap ng droga sa ating Bansa. Ngunit, hindi po nais nang nakararami ang inyong paraan para mapuksa ito.
Hindi ko rin po alam Kung ano po ba ang tama o mali sa inyong ginagawang biglaang pagpapatay sa mga taong kinabibilangan nito. Hindi ba't Diyos lang ang may karapatang kumuha ng buhay ng bawat tao? E bakit ipinag uutos nyo sa inyong mga alagad na pumatay o biglang patayin agad ang taong akop sa droga. Hindi ba natin sila pedeng pag bigyang muli upang mag bago? Kung nagawa nga nilang pumasok o humantong sa buhay ng droga, e 'di syempre kaya rin nila itong pigilan at mag balik loob sa dating kung ano sila.
Mahal naming pangulo, alam namin ng bawat isa dito sa mundo ay may pag kakasalang ginawa. Ngunit hindi naman yon ibig sabihin na wala na, Tapos na ang kanilang buhay. Di ba naman hindi agad sila kinukuha ni God, dahil may panahon pa, may paraan pa, at napaka daming beses na pwede silang mabago.
Isa lang po ang nais ko, nawa'y wala nang palihim na patayan sa droga, sa halip, Ay parusa na habang buhay na pag kakakulong o kaya'y kung sinong pulis na kumampi ay alisan ng ranggo, kahit gaano pa ito kataas na opisyal at ikulong na parang wala ng bukas hanggang sa pag sisihan nya lahat ng kasalanang nagawa niya.
Lubos na gumagalang, David.
Huwebes, Marso 30, 2017
Sa kabilang banda
Ang pangalan ko ay "David", ipinangnak ako noong July 8,1999. Hindi ko alam, pero siguro pinlano nila ito dahil ang agwat naming mag ka kapatid ay 4years. Anim kaming mag kakapatid na lahat silay tumaba na, ako na lang ang hindi at isa pa pala ay 5 kaming lalaki at isang babae.
Sabi nila, I mean ng mga kapatid ko, ako ang pinaka gwapo sa'min ngunit bakit wala akong chiks. Kasi siguro wala pala, wala pa akong panahon sa ganun at mahilig lang ako makipag-flirt. Kasi, sabi ng marami, ang cool ko, angas tingnan, pero sabi ko naman, na kahit mukha akong bad boy ay mapa pagkatiwalaan Ako.
Dati nung elementary ako, hilig ko makipag laro ng sikyo, habulan at kung ano pa. Inilaban nga ako sa takbuhan noon e, kaso di pumasa kaya chess na lang nilaro ko. Hindi naman sa mahirap, pero ewan ko ba di ko hilig ito, kahit na marunong ako.
Pero nag simula na noon ang bakasyon, ayan na naman, nag sisilabasan na naman kaming magugulo upang mag laro nang nakasanayan na basketball. Minsan pag may pera kami, mag cocomputer games kami at pag katapos ay bibili nang tugitigisang stick ng yosi. Pahits nga pahits! Nag yayabangan na mag palabas nang usok sa bibig.
Noong kabataan ko, nung elementary ako, napapagsabay ko pa ang pag lalaro nang basketball at yosi. Pero ngayon, habang tumatagal ay diko na kaya, hindi naman sa hindi kaya, kumbaga ay hapuin na. Ngayon, ang pinag sasabay ko na ay ang pag cocomputer at pagyoyosi.
Balik tayo noong ako'y elementary. Tandang tanda ko pa noon ang aming kasiyahan sa pag lalaro ng habulan. Sa aming sobrang kasiyahan ay umabot na sa kasukdulan. Nag habulan kami non nung barkada ko sa taas ng arm chair, na tila biglang bumagsak ako.

Swabe kong seksyon
Magandang gabi, umaga, tanghali o anumang araw yun bes/tol. Ang pangalan ko nga pala ay David at ako'y nasa baiting 11 na.
Nung una, nung grade 10 pa lang ako, Hindi ko lubos na maisip kung ano ba ang dapat kong kunin pag hantong ko ng Grade 11 kase..... Ewan!
Di ko alam. Siguro ay KINAKABAHAN ako dahil baka magkamali ako nang pag pili nang kukunin ko pag ako ay nag-grade 11 na.
Nung una iniisip ko na mag-STEM kaya ako? Pero sabi ni mama ko, na mag-ICT ako o kaya Tech voc. Ewan, 'di ko alam spelling, pero sabi nang puso ko na mag-HUMSS ako. Ako naman si tanga, edi sinunod ko'yung nais nito
Sa una, sa pag pasok ko, "Abaaa! Ayos a, dami chiks." Sa tingin ko, mahihirapan ako, marahil, puro maraming mukhang matalino sa unang klase. Assignments, activities in 2nd week. Ayos! Tatalino ako nito nang solo. Pag tagal parang nakakaumay na kasi puro gawa, puro sulat, ayaw ko na! Hindi ko na gustong mag-HUMSS! Pero, habang tumatagal lalo ang mga araw, naisip ko na hindi lang pala ito pang-solong gawa, kasi kaya laging may activity ay para magka bonding kayong lahat na mag ka kaklase at mag kakilanlan. Ahhhhh..... 'yun pala ang purpose nun, na habang tumatagal, Hindi lang kaklase mo ang nakikilala mo, pati pala sarili mong pagkatao ay makikilala mo dito.
Salamat dahil sa subjects na meron kami ngayon ay nakilala namin ang iba't-ibang ugali ng tao, pati narin ang sarili kong pagkatao.
Kaya ano pang inaantay n'yo mga grade 10 na gustong makilala ng ibat-ibang uri ng tao? Walang plastikan! Real talkan lang! Kung nais morin makilala ang iyong sarili na kung ano ka ba, o kung sino ka ba talaga, yan ang matututunan mo na aral sa pag hu-HUMSS. Kaya, kung di mo pa kilala ang sarili mo, Arat na mag-HUMSS. G!

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)